Ang Metro Route 120 ay ang nagiging RapidRide H Line!

Anong maaasahan habang nangyayari ang gawain o construction

October 22, 2020

Kami ay kasalukuyang nasa construction o pag-gawa  para sa paghahanda sa  Delridge Way SW para sa pagdating ng RapidRide H Line. Ang mga sumusunod na gawain ay kasalukuyang nagaganap:

  • Trabaho sa magdamag
  • Sarado ang gilid na lakaran (SW Orchard St)
  • Trabahong nauukol sa imburnal at bagyo
  • Pag iinstalasyon ng tubo
  • Ingay, alikabok at pagyanig
  • Ang trapiko ay maaaring ilipat sa kabilang panig ng kalsada ng Delridge Way SW, na may isang linya ng trapiko lamang na imimintina sa bawat direksiyon
  • Maaaring kami ay magta trabaho sa/ o malapit sa interseksiyon at ang mga likuan ay maaaring pansamantalang ipagbawal.  Pakisundan ang mga sign para sa pagbabago ng daanan o detour
  • Magkakaroon ng pagsasara ng hintuan ng bus katulad ng  inilathala ng King County Metro.  Mag-sign up para sa  Metro Rider Alerts para sa karagdagang impormasyon

Parating ng pagta-trabaho sa weekend(Sabado,Linggo)at pagsasara ng kalsada 

Bilang bahagi ng proyektong Delridge Way SW - RapidRide H Line, isasarado namin ng pansamantala ang SW Edmunds St sa may Delridge Way SW mga ilan-ilang weekend. Paki-asahan na walang pasukan o daanang palabas ng Delridge Way sa may SW Edmunds St habang nangyayari ang pagtatrabahong ito.

Pansamantala naming isasarado ang SW Oregon St hanggang sa unang weekend ng Oktubre 23-26. Ang pagsasara ay magsisimula ng maaga na maaaring itong Biyernes ng umaga at hanggang Lunes ng umaga nitong weekend na ito.

Ang mga taong nagbibiyahe sa komunidad na ito na nagnanais na makarating sa Delridge Way SW ay hinihikayat namin na gumamit ng detour o pagbaling sa ibang daan papuntang SW Alaska St via Cottage Place SW. Ang trapiko ay papanatilihin sa Delridge Way SW. 

Ang pagta-trabahong ito ay dumidepende sa klima o panahon at ang mga petcha ay maaaring magbago.Maki-sign up para sa mga update o isinapahon tungkol sa aming website ng proyekto o mag-sign up sa mga text message update sa pamamagitan ng pagte-text ng salitang “DELRIDGE” sa 33222 para sa impormasiyon tungkol sa pagbabago ng takda o schedule.

Kung kayo ay may alalahanin tungkol sa accessibility o pagpasok sa isang lugar ay paki kontak kami sa email at number ng telepono na nasa ibabang bahagi ng pahina at magbigay napipiling impormasyon kung papano namin kayo makokontak. Salamat sa inyong pagti-tiyaga habang nangyayari ang konstraksiyon. 


Nasa ibaba ang mapa ng proyekto sa koridor. Paalala no, im not available sorry ang mga sasakyan ay iparada sa mga sumusunod na  kalye malapit sa Delridge Way SW at walang lusutan ang trapiko.

  • SW Dakota St, kanlurang bahagi ng Delridge
  • SW Edmonds St, kanlurang bahagi ng Delridge
  • SW Edmonds St, silangang bahagi ng Delridge
  • SW Hudson St, kanlurang bahagi ng Delridge
  • SW Hudson St, silangang bahagi ng Delridge 
  • SW Puget Blvd, silangang bahagi ng Delridge
    • Isasarado ang iskinita sa likod ng unang apartment na may paradahan at dito ipupwesto ang mga kagamitan.
  • SW Brandon St, kanlurang bahagi ng Delridge
  • SW Juneau St, silangang bahagi ng Delridge (summer only)
  • SW Willow St, kanlurang bahagi ng Delridge

Ang Delridge Way SW ay bukas sa mga trapiko habang nangyayari ang construction. Pananatilihin namin isang daanan o lane lamang sa bawat direksiyon at halos sa lahat ng oras ng nangyayaring construction, at ang pang-samantalang mga detours ay kakailanganin.

Kami ay nakikipag-tambalan sa King County Metro para itayo muli ang Delridge Way SW at magsasagawa ng mga pagpapabuti o improvement para sa mga taong naglalakad, nagbibisikleta, at sumasakay ng bagong RapidRide H Line.

Naiintindihan namin na marami ang nabago sa West Seattle nitong nakaraang dalawang buwan. Ngayon at higit kailanman ay kinakailangan na tayo ay makabuo ng matulin na transit at mag-kumpuni ng mga kalsada na may mga mahihinang kalagayan upang mapanatili ang West Seattle na sumusulong sa pangmatagalang panahon. Bago natin madadagdagan ang kapasidad ng mga bus at mga mananakay, kinakailangan nating magtayo at magsemento / aspalto mga kalsadang sumusuporta sa mga transit na pang- publiko, kung kaya tayo ay nagpapatuloy sa pagtatayo ng mga mas mabuting kalasada sa Delridge Way SW.

Simula nitong Hunio nitong tag-araw, kami ay magtatrabaho sa inyong komunidad upang ayusin ang mga napinsalang mga kalye, gagawa ng mga pagpapaganda ng pedestrian, at magdadagdag ng espesyal na signal sa mga lane o linya para makatulong sa pagpapa – prayoridad sa mga transit. Ang bagong bus ng RapidRide H line ay magsisimulang tumakbo sa Tag-lagas ng 2021, na may konstraksiyon o pag-gawa na matatapos sa 2022.

Ang mga disenyo ng kalye ng ating Delridge Way SW ay may kasamang:

  • Bagong lane ng bus para malampasan ng mabilis ang trapik
  • Mga bagong signal ng bus para makauna sa harapan ng lane sa mga red lights
  • Bagong ni-landscape na median o gitna ng mga kalsada para maging berde ang Delridge at magpa-kalma sa trapiko
  • Bagong art sculptures o skalptura para sa ginagawang puntahan ng komunidad o community placemaking
  • Bagong pagpa- platada para sa mas swabeng pagsakay o byahe at pangmatagalang kalsada
  • Bagong imburnal at mga tubo ng tubig para sa inuming tubig at sa maruming tubig
  • Bagong protektadong daanan ng mga bisikleta, tawiran, signal para sa bisikleta/mga signal sa paglalakad at pagkumpuni sa mga gilid ng kalsada, mga koneksiyon na daang may mga halaman, ilaw para mga taong naglalakad at pagku-kumpuni sa mga gilid na kalsada para ang mga taong naglalakad at nagbibisikleta ay makalibot sa komunidad at sa kanilang bus ng ligtas at lahat ng posibleng kaginhawaan.
  • Pagtanggal ng paradahan – ang bagong disenyo ang papalit sa mga ilan-ilang buong bloke ng paradahan para makagawa ng bagong espasyo para sa bagong bus at mga linya ng bisikleta
  • Pagbabawal sa oras ng pagpaparada sa bagong peak-only bus lanes na kung saan ang mga kotse ay kailangang alisin para mabigyan ng daan ang bus tuwing pangkaraniwang araw sa umaga o mga gabi

Alamin ng karagdagan ang tungkol sa proyekto at kung ano ang inaasahan sa paggawa o konstraksiyon dito.

Ibahagi ang iniisip sa amin

Rapid Ride H Line 047-067-000 Final Design - in language

Nakatira malapit sa Delridge Way SW at nais ng mga update tungkol sa construction sa inyong sariling wika?

Manatiling may nalalaman sa panahon ng construction

Ang palatuntunan ng construction ay laging may posibleng pagbabago at kami ay magpapatuloy na magbibigay mga isina-panahon o update. Ang pinaka-magandang paraan na manatiling may kabatiran tungkol sa mga benepisyo ng proyekto, mga detour o pagpapalit ng ruta, mga oras ng pag-gawa, pagsasara ng mga daanan, at iba pang mga pagpapabuti ay sa pamamagitan ng pagsa  signing up  upang makuha ang aming lingguhang construction updates.


Kung kayo ay may alalahanin sa mga paroroonan o iba pang mga epekto ng construction, ipadala ninyo sa amin ang inyong address, contact information o kung papano namin kayo maka-kaugnayan, at mga alalahanin upang mas maiintindihan namin at tayo ay sama samang magtutulungan habang nangyayari ang construction.

Pwede kayong makipag-ugnayan sa amin sa  DelridgeTransit@Seattle.gov o tumawag sa 206-775-8739.

Anong maaasahan habang nangyayari ang gawain o construction

Pangkalahatan, inaasam namin na kami ay magta-trabaho sa mga ordinaryong araw sa pagitan ng alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.

Ang mga epekto nito ay may kasamang:  

  • Ingay, alikabok, at trapiko ng mga malalaking behikulo
  • Pang-samantalang pagbabawal ng mga lingguhan sa pagpaparada dahil sa construction
  • Mga paminsan-minsang pagpapalit ng daan ng trapiko o detour
  • Ang pagpapalit ng mga daanan ng mga sa sasakyan sa mga lugar ng may pag-gawa
  • Pang-samantalang epekto sa mga serbisyong palingkurang bayan
  • Mga Flaggers o namamatnubay para tumulong sa pagdi direkta sa trapiko
  • Mga pang-samantalang detour at relokasyon ng mga bus stop

Bisitahin ang rapidridehline.participate.com para sa karagdagang kaalaman sa kung ano ang maaasahan at basahin ang aming  project FAQs. Kami ay makikipag-ugnayan sa mga darating na linggo tungkol sa kung saan magsisimula ang pag-gawa at kung ano ang aasahan.